Pages

Monday, November 14, 2011

Scene 31 (heroine's rant) - In Filipino

"Ang hirap kasi sa 'yo nagpupumilit ka pang mahalin ang ayaw sa 'yo. Hindi mo maintindihan na minsan ang pag-ibig kahit ibigay mo na ang lahat, wala kang makukuha. Hindi ka pa din n'ya mamahalin. Iiwan ka din n'ya. Yuyurakan. Suwerte mo na kung iiwan nyang buo ang pagkatao mo. Tapos ngayon iniisip mo na matutulungan kita? Na tutulungan kita? Huli ka na. Wala na 'kong mabibigay sa 'yo. Dahil bago mo pa sya minahal, nandito na ako. Minamahal ka. Binibigay ang lahat sa iyo. Pero tanggap ka lang ng tanggap habang binubuhos mo ang sarili mo sa kanya. Binalewala mo ang lahat ng paghihirap ko. Hindi mo nakita ang inaalay ko sa 'yo. Tapos ngayon babalik ka at umaasang balik tayo sa dati? Hindi na. Dahil pinaghirapan kong buuin muli ang buhay ko pagkatapos mo akong iwan. Kahit kulang. Kahit pirapiraso. Wala na akong mabibigay dahil ang buhay ko at puso ko, nasa iyo na. Nasa iyo pa rin."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...