Once again, I don't know who the author is.
Masaya Ka!
Akala mo siguro iniisip pa rin kita,
pinapangarap...
pinagpupuyatan...
hinahanap-hanap...
Hindi na, hoy!
Kahit pa alam kong maganda ka,
matalino...
mabait...
mayaman...
'Di bale na lang.
Tama na yung naging kaibigan kita,
nakasama...
biniru-biro...
nahawakan...
kuntento na 'ko.
Pero kung sakaling magising ka isang araw...
Umiba ang ihip ng hangin...
Subukan mo...
Baka sakaling ako'y nagdarasal pa rin,
naghihintay...
umaasa...
nagmamahal...
Ewan ko lang.*
______________________
*Seriously, in this line, I hear Hisoka's voice in the Tagalog-dubbed version of Hunter X Hunter.
No comments:
Post a Comment