Pages

Sunday, September 12, 2010

Blast from the Past

Ok so I've been clearing out my stuff over the long weekend and guess what I found...My journal!!! I tried reading it, but I bored even myself...Here's a sample.   (Sorry, non-Filipino readers, it doesn't really translate...)

"Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo na ko pinapansin ngayon.  Dati-rati ay lagi mo kong tinatawag pag nakikita mo ako, mega-kaway and smile ka pa.  Iniisip ko pa nga kung ano ang nakita mo sa kin non eh.  Wala naman akong ginagawa sa yo kundi istorbohin ka pag nag-aaral, asarin tuwing kasama ang barkada.  Tinutukso pa nga kita sa kaibigan kong di mo type.  Sabi mo non okay lang, alam mo namang lambing lang yon.  Dati-rati close na close tayo.  Sinasabi ko sayo lahat ng problema ko at sinasabi mo sakin lahat ng crush mo.  Hindi ako nagseselos non.  Ewan ko kung kelan nagbago ang lahat.  Hindi ko alam kung ako yung unang lumayo o ikaw ba ang unang umiwas.  Nakahanap ka na ng iba at iniwan mo kong nag-iisa.  Hindi ko namalayan kung kelan nagbago ang feelings ko para sayo.  Hindi ko alam kung kelan kita naging crush.  Pero may nagsabi sa akin minsan na obvious na obvious daw ako dahil tuwing maririnig ko ang boses mo bigla na lang akong matutulala.  Siguro isa na yung dahilan kung bakit wala na akong masabi tuwing kakausapin mo ako ngayon.  Sa bagay wala naman ring kwenta ang mga pag-uusapan natin.  Hindi ko na alam ang mga crushes mo at wala ka na ring pakialam sa mga problema ko.  Close na close na kayo ngayon kahit dati promise mo sa akin hinding-hindi mo sya type at never may mangyayari sa inyo.  Ngayon, namamatay ako sa inggit tuwing nakikita ko kayong super sweet.  Sobra-sobrang hinayang ang nararamdaman ko tuwing naalala ko kung gano tayo ka-sweet sa isa't-isa nung tayo pa ang close.  Natuto na ako.  Next time, wala nang tuksuhan.  Sana masayang-masaya ka sa piling nya.  Wag mo na akong alalahanin.  Magrerecover din ako.  Ikaw na din ang nagsabi na darating din ang taong para sakin.  Yun nga lang, hindi mo sakin sinabi kung pano ko ipapaalam sa kanya na siya ang love of my life.  Kasi matagal na siya sa piling ko, di ko lang na-realize na ikaw pala yon.  Alam mo ba yung nararamdaman ko at na-inip ka lang sa paghihintay?  Sorry ha, medyo slow lang talaga ako.  Kaya ayan, tignan mo ang inabot ko.  I love you nga pero di mo naman naririnig.  Sana mabasa mo man lang ito."

That's an entry circa 2000.  Looks like I've always loved to complain about love :)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...