Pages

Thursday, July 28, 2011

Buti Pa

Buti Pa
(No author, this one seems to be popular poem with a lot of variations)


Buti pa...
ang exam, sinasagot, yung ibang tao hindi
ang calendar, may date, yung ibang tao wala
ang sugat, inaalagaan, yung ibang tao hindi
ang baso, dinadampian ng labi, yun ibang tao hindi
ang unan, katabi't kayakap sa gabi, yun ibang tao hindi
ang notebook, sinusulatan, yung ibang tao hindi
ang hinihinga, hinahabol, yung ibang tao hindi
ang parents, hinahalikan, sana ako rin

Buti pa...
ang lesson, inuunawaan, yung ibang tao hindi
ang kamalian, pinapansin, yung ibang tao hindi
ang panyo, iniiyakan, yung ibang tao hindi
ang Hershey's, may Hugs and Kisses, yung ibang tao wala
ang awit at tugtog, magkasama, sana tayo rin

Buti pa...
ang ulap, tinitingala, yung ibang tao hindi
ang phone, hine-hello, yung ibang tao hindi
ang aksidente, pinagkakaguluhan, magpaaksidente kaya ako?
ang radio, pinakikinggan, yung ibang tao hindi
ang lungs, malapit sa puso, yun ibang tao hindi
ang typewriter, nata-type-an, yung ibang tao hindi
ang kotse, mahal, sana ako rin

Buti pa...
ang probabilities, may chance, yung ibang tao wala
ang patay, dinadalaw, yung ibang tao hindi
ang AIDS, nababalita, yung ibang tao hindi
ang problema, iniisip, 'di bale iniisip naman kita

Buti pa...
ang film, nadedevelop, yung ibang tao hindi
ang tindera, nagpapatawad, yung ibang tao hindi
ang liham, nagmamahal, yung ibang tao hindi
ang alaala, binabalikan, yung ibang tao hindi
ang d'yaryo, pinaniniwalaan, yung ibang tao hindi
at buti pa ang tulang ito, pinapansin,
yung gumawa, hindi.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...